Maniwala ka man o hindi, pang-poreber ka!!! 🙂
Yan ang tadhana mo. Ikaw ay pang walang hanggan. Magpakailanman. Ika nga, pang-matagalan.
Yan ang katotohanan. Ito ang nasusulat sa aklat ng Karunungan. Basaaa...
"Para sa nilikha ng Diyos ang tao upang maging walang kamatayan, at siya'y iginawa ng ayon sa larawan ng kaniyang wangis” (Karunungan 2:23)
(God formed man to be imperishable; the image of his own nature he made them - Wisdom 2:23)
Ayun naman pala e. Bakit tayo nagkakasakit? Bakit may namamatay? Anong nangyari? Basaaa...
"Ngunit sa pamamagitan ng inggit ng demonyo, kamatayan ay pumasok sa mundo” - Karunungan 2:24
Dahil sa inggit ng demonyo ay pumasok ang kasalanan. At dahil sa KASALANAN nagulo ang orihinal na plano ng Diyos. Ang tadhana mo na dapat matatag ay naging malamya.
Hindi dapat KASALANAN at KAMATAYAN ang tadhana mo. Tandaan mo na gawa ka sa imahe ng Diyos kaya walang lugar ang KASALANAN at KAMATAYAN sa buhay mo. Paano mo maibabalik ang plano ng Diyos? Kailangang magpaka-BANAL ka.
"Samakatuwid, ang pagkakaroon ng mga pangakong ito, mga pinaka-minamahal, ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, na pakasakdalin ang pagpapakabanal na may takot sa Diyos” - 2 Corinto 7:1
Tama ka, mahirap yan. Hindi natin kakayanin pero sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ng Diyos tayo ay magwawagi.
"Sapagka't ang kautusan ng Espiritu ng buhay na kay Kristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng KASALANAN at KAMATAYAN" - Roma 8:2
Kay KRISTO tayo mag-tiwala. SIYA ang solusyon sa KASALANAN at KAMATAYAN.
Nawa’y pagpalain ng Diyos ang buong linggo mo! - alvinfabella@yahoo.com
#ShareAboutJesus
#AimtobeASaint
No comments:
Post a Comment